Employment Insurance (EI)
Pagseseguro sa Trabaho (EI)
**Ang pinakamahalagang bagay ay mag-apply ng EI sa loob ng 4 na linggo pagkatapos ng huling araw ng trabaho**
Record of Employment (ROE)
Rekord ng Trabaho
- Impormasyon para matawagan ang kumpanya
- Impormasyon para matawagan ang trabahador
- Unang araw ng trabaho
- Huling araw ng trabaho
- Dahilan kung bakit wala kang trabaho
- Mga oras na nakaseguro – ang kabuuan na oras ng trabaho mo sa loob ng 52 na linggo na nagbayad ka sa EI
- Mga kinita na nakaseguro – ang kabuuan na kinita mo sa loob ng 26 na linggo na nagbayad ka sa EI
Panahon ng Paghintay
Meron panahon na 2 linggong paghintay ng walang pera mula sa EI para sa lahat ng uri ng mga benepisyo.
Halaga ng Benepisyo
Mula 55% ng kita mo hanggang $546.82 kada linggo – alin man ang mas mababa (2018). Ang halagang ito ay maaring buwisin.
Mga Uri ng Benepisyo
Pankaraniwan
- Kailangang hindi bababa ng 910 na oras para maging karapat-dapat
- Pinakamarami ang 45 na linggong may benepisyo pero maari itong mag-iba sa ibang rehiyon at sa dami ng oras na nagtrabaho
- Inaasahan na gusto mo at handa kang magtrabaho at maghahanap ka ng trabaho
- Dapat nasa loob ka ng Canada mula Lunes hanggang Biyernes para makakolekta ng mga benepisyo
Medikal (May Sakit)
- Kailangang hindi bababa ng 600 na oras para maging karapat-dapat
- Pinakamarami ang 15 linggong may benepisyo
- May abiso mula sa doctor na ikaw ay hindi makatrabaho dahil sa sakit o pinsala
- Hindi ka kailangan maghanap ng trabaho sa panahon ng may benepisyo
- Dapat nasa loob ka ng Canada sa lahat ng panahon para makakolekta ng mga benepisyo maliban kung sinabi ng doctor na kailangan kang umalis ng Canada para sa medical na dahilan
Pagiging Ina
- Kailangang hindi bababa ng 600 na oras para maging karapat-dapat
- Pinakamarami ang 15 linggong may benepisyo
- Para sa mga magiging ina lamang
- Maaring mag-umpisa mula 8 linggo bago isilang ang sanggol
- Hindi kailangan nasa loob ng Canada para makakolekta ng mga benepisyo
Pangmagulang
- Kailangang hindi bababa ng 600 na oras para maging karapat dapat
- Pinakamarami ang 35 linggong may benepisyo
- Maaring gamitin ng ina lamang o ng ama lamang ang lahat ng 35 linggo ng benepisyo o maaring paghatian nilang dalawa ang 35 na linggo
- Maaring gamitin para sa isinilang na sanggol o para sa inampon na bata
- Hindi kailangan nasa loob ng Canada para makakolekta ng mga benepisyo PERO kunga aalis ng Canada ang magulang, kailangan kasama ang bata
Mahabagin na Pag-alaga
- Kailangang hindi bababa ng 600 na oras para maging karapat dapat
- Pinakamarami ang 6 na linggong may benepisyo
- Para mabigyan ka ng oras mula sa trabaho para makasama ang isang tao na ayon sa doctor ay may 6 na buwan na lamang nalalabi sa kanyang buhay
- Kapag mamatay ang inaalagaan na tao bago magamit ang 6 na linggong may benepisyo, matatapos na ang pagtanggap ng mga benepisyo
- Meron 6 na linggong may benepisyo sa bawat isang taong mamatay – maaring paghatian ng dalawang tao ang 6 na linggo, pero hindi maaring dalawang tao ang parehong humingi ng 6 na linggong may benepisyo
Mga Magulang nga mga Batang may Mapanganib na Sakit
- Kailangang hindi bababa ng 600 na oras para maging karapat dapat
- Pinakamarami ang 35 na linggong may benepisyo
- Para mabigyan ka ng oras mula sa trabaho para makasama ang isang bata na ayon sa doctor ay may mapanganib na sakit o pinsala
- Kapag mamatay ang inaalagaan na bata bago magamit ang 35 na linggong may benepisyo, matatapos na ang pagtanggap ng mga benepisyo
- Meron 35 na linggong may benepisyo sa bawat batang mamatay – maaring paghatian ng mga magulang ang 35 na linggo, pero hanggang 35 na linggong may benepisyo lamang
Pag-apela ng EI
- Kapag ikaw ay tinanggihan na makatanggap ng mga benepisyo mula sa EI, maari kang humiling ng muling pagsasaalang-alang ng desisyon
- Meron kang 30 araw mula sa pagtanggap ng sulat ng pangtanggi para humiling ng muling pagsasaalang-alang ng desisyon
- Kapag ikaw ay walang sapat na oras para maging karapat-dapat na makatanggap ng EI, hindi ka maaring humiling ng apela dahil hindi ka karapat-dapat na tumanggap ng EI
Kung kailangan mo ng tulong na mag-apply sa EI, pakitignan ang bahagi ng “Resources” ng aplikasyon.
Ang Calgary & District Labour Council (C&DLC) ay hindi nagbibigay ng garantiya sa ganap na kawastuan ng mga impormasyon na nilalaman ng aplikasyon na ito at ang mga gumagamit ay hindi dapat magtiwala dito. Ang mga gumagamit ay dapat deretsong kumunsulta sa mga batayan ng pamahalaan para makaseguro na ganap ang kawastuan ng mga batas bago gumawa ng mga aksyon na nababatay, o umaasa, sa mga kondisyon ng pambatasan na tinukoy at ibinuod sa aplikasyon na ito. Itong aplikasyon na ito, kasama pero hindi limitado sa mga bagay na “interactive” at mga nilalaman nito, ay nakalaan dito ng “as is” na batayan. Ang C&DLC ay malinaw na pinagkakaila ang lahat ng mga garantiya na may kakayahang maikalakal, na angkop sa isang partikular na layunin, at na hindi lumalabag. Ang C&DLC ay malinaw na pinagkakaila ang ano mang pananagutan sa ano mang pagkawala, pananakit, paghahabol, pagkakautang, o pinsala na sanhi ng, o nagmula sa, o maykinalaman sa: (a) ano mang pagkakamali o pagkukulang ng aplikasyon na ito, mga bagay na “interactive” at nilalaman nito, kasama na pero hindi limitado sa mga, teknikal na kamalian at mga sala sa paglilimbag; (b) mga komunikasyon ng mga ibang partido; (c) mga website ng ibang partido at mga nilalaman nito na deretsong mararating mula sa mga “links” ng aplikasyon, kasama na pero hindi limitado sa mga kamalian o hindi naisama dito; (d) hindi makakuha ng aplikasyon na ito, ang mga bagay na “interactive”, mga nilalaman, at ano mang bahagi nito; (e) paggamit mo ng aplikasyon na ito, sa mga bagay na “interactive o ang nilalaman nito; at (f) paggamit mo ng ano mang kagamitan, “hardware” o “software” na may kinalaman sa aplikasyon na ito, mga bagay na “interactive” at mga nilalaman nito.