Joining a Union Federally
Pagsali sa isang Pederal na Unyon
Ang Kodigo para sa Relasyon ng mga Industriya sa Canada, o ang “Canada Industrial Relations Code” ay sumasakop sa iyo kapag ikaw ay nagtratrabaho sa mga sumusunod na industriya:
- Pagbabangko
- Mga Sasakyang Pang-dagat
- Mga Serbisyo sa mga Puwerto at Lantsang Pantawid
- Mga Sasakyan Panghimpapawid, kasama ang mga Paliparan, Aerodromes at mga Kumpanya ng Eroplano
- Mga Tren at Riles
- Mga Sasakyan Panglansangan na Tumatawid ng mga Panlalawigan o Pang-Internasyonal na Hangganan
- Mga Kanal
- Mga Tubo ng Langis
- Mga Lagusan at Tulay (na tumatawid ng mg hangganan ng mga lalawigan)
- Mga Sistema ng Telepono, Telegrapo, at Kable
- Ibinobrodkast na Radio at Telebisyon
- Mga Bodega ng Butil
- Mga Gilingan ng Palay at Pakain sa Hayop
- Pagmimina at Pagproseso ng Uraniyo
- Mga Negosyo na Nauukol sa Pagkalinga ng mga Isda bilang Likas Yaman
- Karamihan ng mga Gawain ng mga “First Nation”
- Karamihan ng mga Korporasyon ng Pederal na Pamahalaan
Ang “Alberta Labour Relations Code” ay sumasakop sa sino mang hindi nagtratrabaho sa mga industriyang nakalista. Pakitignan ang bahagi ng Pagsali sa Unyon sa Alberta kapag hindi ka nagtratrabaho sa mga industriyang nakalista.
Limang Hakbang Para Sumali sa Unyon na Pederal:
- Tawagan ang unyon at makipagkita sa nagtatag ng unyon
- Pumirma ng mga kard para sumali at maging kasapi sa unyon, at pahintulutan ang unyon na kumatawan sa iyo sa pag-uusap sa maypagawa. Ang mga pederal na batas nauukol sa mga batas ng mga manggagawa ay inaatasan ang unyon na kumolekta ng $5.00 sa bawat manggagawa sa kanilang pagpirma na maging kasapi ng unyon.
- Kung hindi bababa sa 35% ng mga manggagawa ay pumirma ng kard para maging kasapi sa unyon, ang “Canada Industrial Relations Board” (CIRB) ay magdadaos ng isang halalan para malaman kung nais ng mga manggagawa na magkaroon ng unyon. Kung mahigit sa 50% ng mga manggagawa ay pumirma ng kard para maging kasapi sa unyon, ang CIRB ay maaring patibayan ang unyon ng walang halalan – Pumunta sa ika-5 hakbang. Sa mga ibang kaso, ang CIRB ay magdadaos ng isang halalan kapag mahigit sa 50% ng mga manggagawa ay pumirma ng kard para maging kasapi sa unyon – Pumunta sa ika-4 hakbang.
- Ang CIRB ay magdadaos ng halalan na gumagamit ng sekretong balota. Sino man ang nasa nanawaran na pangkat na kinakatawan ng unyon ay maaring bumoto. Kung ang nakakarami, 50% + 1, ng mga manggagawa ay bumoto para magtayo ng unyon, ang unyon ay ipagpatibay.
- Ang unyon ay magbibigay ng abiso sa iyong maypagawa para umpisahan na pag-usapan at pagkasunduan ang unang kontrata.
Ang pagpapatibay ng unyon ay lihim na proseso. Ang mga maypagawa ay walang karapatan na malaman kung sino ang mga pumirma ng kard para sumapi sa unyon. Ang pagboboto ay isinasagawa ng sekreto.
Kung kailangan mo ng karagdagan na impormasyon sa pagsapi sa isang pederal na unyon, bisitahin ang: http://www.cirb-ccri.gc.ca/eic/site/047.nsf/eng/home
Ang impormasyon tungkol sa Pagsali sa Unyon na Pederal ay nalikom mula sa website ng “Canada Union of Public Employees”.
Kung nais mong sumali sa isang unyon, tawagan ang:
The Alberta Federation of Labour:
Phone: 1-800-661-3995
Website: http://www.afl.org
Email: afl@afl.org
The Building Trades of Alberta:
Edmonton: 780-421-9400
Calgary: 403-279-9500
Website: http://www.buildingtradesalberta.ca
Ang Calgary & District Labour Council (C&DLC) ay hindi nagbibigay ng garantiya sa ganap na kawastuan ng mga impormasyon na nilalaman ng aplikasyon na ito at ang mga gumagamit ay hindi dapat magtiwala dito. Ang mga gumagamit ay dapat deretsong kumunsulta sa mga batayan ng pamahalaan para makaseguro na ganap ang kawastuan ng mga batas bago gumawa ng mga aksyon na nababatay, o umaasa, sa mga kondisyon ng pambatasan na tinukoy at ibinuod sa aplikasyon na ito. Itong aplikasyon na ito, kasama pero hindi limitado sa mga bagay na “interactive” at mga nilalaman nito, ay nakalaan dito ng “as is” na batayan. Ang C&DLC ay malinaw na pinagkakaila ang lahat ng mga garantiya na may kakayahang maikalakal, na angkop sa isang partikular na layunin, at na hindi lumalabag. Ang C&DLC ay malinaw na pinagkakaila ang ano mang pananagutan sa ano mang pagkawala, pananakit, paghahabol, pagkakautang, o pinsala na sanhi ng, o nagmula sa, o maykinalaman sa: (a) ano mang pagkakamali o pagkukulang ng aplikasyon na ito, mga bagay na “interactive” at nilalaman nito, kasama na pero hindi limitado sa mga, teknikal na kamalian at mga sala sa paglilimbag; (b) mga komunikasyon ng mga ibang partido; (c) mga website ng ibang partido at mga nilalaman nito na deretsong mararating mula sa mga “links” ng aplikasyon, kasama na pero hindi limitado sa mga kamalian o hindi naisama dito; (d) hindi makakuha ng aplikasyon na ito, ang mga bagay na “interactive”, mga nilalaman, at ano mang bahagi nito; (e) paggamit mo ng aplikasyon na ito, sa mga bagay na “interactive o ang nilalaman nito; at (f) paggamit mo ng ano mang kagamitan, “hardware” o “software” na may kinalaman sa aplikasyon na ito, mga bagay na “interactive” at mga nilalaman nito.