Canada Pension Plan Disability Benefit

Pagkabaldadong Benepisyo mula sa Canada Pension Plan

Ang Pagkabaldadong Benepisyo mula sa Canada Pension Plan (CPP), o ang “Canada Pension Plan (CPP) Disability Benefit” ay isang buwanan na kabayaran para sa mga taong may “malubha” at “matagalan” na pagkabaldado na pumipigil sa kanila na makagawa ng ano mang trabaho ng palagian, o isang pagkabaldado na maaring ikamatay ng tao.

Ang “CPP Disability Program” ay susuriin ang mga binigay mong kontribusyon sa CPP bago ka nabaldado. Dapat kang nakapagbigay ng sapat na kontribusyon sa CPP sa loob ng 4 na taon ng nakaraan 6 na taon, o dapat kang nakapagbigay ng balidong kontribusyon ng nakaraan na 25 taon, kasama na ang 3 taon ng nakaraan na 6 na taon. May karagdagan na mga kalagayan na maaring kilalanin dahil sa mga taon na nagtrabaho ka. Ang mga nakalipas mong mga kontribusyon ay gagamitin sa pagkalkula ng benepisyong matatanggap mo kada buwan.

May mga benepisyo para sa mga bata kapag ang isa sa mga nabaldadong magulang ay maging karapat-dapat na tumanggap ng “CPP Disability Benefits”.

Kapag ikaw ay tumatanggap ng ibang benepisyo mula sa mga ibang programa, maari o di maari kang maging karapat-dapat na tumanggap ng “CPP Disability Benefits”.

Paano Mag-Apply:

Dapat magbigay ng nakasulat na aplikasyon sa CPP para makatanggap ng “CPP Disability Benefits”. Ang aplikasyon ay maaring makuha mula sa:

http://www.servicecanada.gc.ca/eng/isp/cpp/disabforms.shtml#apply

o maari kang tumawag sa “Service Canada” para ipadala sa iyo gamit ang koreo.

Maaring umabot ng 4 na buwan bago ka makatanggap ng desisyon. Kapag meron kang pangwakas na karamdaman, matatanggap mo ang desisyon ng mas maaga.

Ang medikal na adjudicator mula sa “CPP Disability Program” ay magpapasiya kung ang iyong pagkabaldado ay tumutugon sa mga pangangailangan.

Kapag hindi pinayagan ang aplikasyon mo para makatanggap ng “CPP Disability Benefits”, maari kang humiling ng pagsusuri o muling pagsaalang-alang ng kanilang desisyon.

Anong Kasunod?

Kung ikaw ay tumatanggap ng “CPP Disability Benefits”, dapat mong tawagan ang “Service Canada” para ibigay alam sa kanila kung ano mang pagbabago ang nangyari habang tumatanggap ka ng mga benepisyo. Mga pagbabago katulad ng: pagpalit ng pangalan, pagpalit ng tirahan, mga kinikita, etc.

Susuriin ng “Service Canada” ang iyong kalusugan at kalagayan sa trabaho paminsan-minsan para pasiyahan kung patuloy na nararapat kang tumanggap ng “CPP Disability Benefits”.

Ang “CPP Disability Benefits” ay maaring pabuwisin.

Ang “CPP Disability Benefits” ay matitigil kapag bumuti na ang iyong kalagayan at nakakabalik ka na ng palagian sa iyong trabaho, o kung ikaw ay maging edad na 65, o sa iyong pagkamatay.

Ang mga impormasyon tungkol sa “CPP Disability Benefits” ay nalikom mula sa website ng Pamahalaan ng Canada:

http://www.servicecanada.gc.ca/eng/isp/cpp/disaben.shtml

Para sa karagdagan na impormasyon, pakitawagan ang inyong lokal na opisina ng “Service Canada Centre”. Para sa wikang Ingles, tumawag sa 1-800-277-9914 o para sa wikang Pranses, tumawag sa 1-800-277-9915.

Kung kailangan mo ng tulong para mag-apply ng “CPP Disability Benefits”, pakitignan ang bahagi ng “Resources” ng aplikasyon na ito.

Ang Calgary & District Labour Council (C&DLC) ay hindi nagbibigay ng garantiya sa ganap na kawastuan ng mga impormasyon na nilalaman ng aplikasyon na ito at ang mga gumagamit ay hindi dapat magtiwala dito. Ang mga gumagamit ay dapat deretsong kumunsulta sa mga batayan ng pamahalaan para makaseguro na ganap ang kawastuan ng mga batas bago gumawa ng mga aksyon na nababatay, o umaasa, sa mga kondisyon ng pambatasan na tinukoy at ibinuod sa aplikasyon na ito. Itong aplikasyon na ito, kasama pero hindi limitado sa mga bagay na “interactive” at mga nilalaman nito, ay nakalaan dito ng “as is” na batayan. Ang C&DLC ay malinaw na pinagkakaila ang lahat ng mga garantiya na may kakayahang maikalakal, na angkop sa isang partikular na layunin, at na hindi lumalabag. Ang C&DLC ay malinaw na pinagkakaila ang ano mang pananagutan sa ano mang pagkawala, pananakit, paghahabol, pagkakautang, o pinsala na sanhi ng, o nagmula sa, o maykinalaman sa: (a) ano mang pagkakamali o pagkukulang ng aplikasyon na ito, mga bagay na “interactive” at nilalaman nito, kasama na pero hindi limitado sa mga, teknikal na kamalian at mga sala sa paglilimbag; (b) mga komunikasyon ng mga ibang partido; (c) mga website ng ibang partido at mga nilalaman nito na deretsong mararating mula sa mga “links” ng aplikasyon, kasama na pero hindi limitado sa mga kamalian o hindi naisama dito; (d) hindi makakuha ng aplikasyon na ito, ang mga bagay na “interactive”, mga nilalaman, at ano mang bahagi nito; (e) paggamit mo ng aplikasyon na ito, sa mga bagay na “interactive o ang nilalaman nito; at (f) paggamit mo ng ano mang kagamitan, “hardware” o “software” na may kinalaman sa aplikasyon na ito, mga bagay na “interactive” at mga nilalaman nito.