Canadian Occupational Health and Safety Regulations

Mga Regulasyon para sa Kalusugan at Kaligtasan ng mga Naghahanapbuhay sa Canada

Ang mga Regulasyon para sa Kalusugan at Kaligtasan ng mga Naghahanapbuhay sa Canada, o ang “Canadian Occupational Health and Safety Regulations” ay sumasakop sa iyo kapag ikaw ay nagtratrabaho sa mga sumusunod na industriya:

  1. Pagbabangko
  2. Mga Sasakyang Pang-dagat
  3. Mga Serbisyo sa mga Puwerto at Lantsang Pantawid
  4. Mga Sasakyan Panghimpapawid, kasama ang mga Paliparan, Aerodromes at mga Kumpanya ng Eroplano
  5. Mga Tren at Riles
  6. Mga Sasakyan Panglansangan na Tumatawid ng mga Panlalawigan o Pang-Internasyonal na Hangganan
  7. Mga Kanal
  8. Mga Tubo ng Langis
  9. Mga Lagusan at Tulay (na tumatawid ng mg hangganan ng mga lalawigan)
  10. Mga Sistema ng Telepono, Telegrapo, at Kable
  11. Ibinobrodkast na Radio at Telebisyon
  12. Mga Bodega ng Butil
  13. Mga Gilingan ng Palay at Pakain sa Hayop
  14. Pagmimina at Pagproseso ng Uraniyo
  15. Mga Negosyo na Nauukol sa Pagkalinga ng mga Isda bilang Likas Yaman
  16. Karamihan ng mga Gawain ng mga “First Nation”
  17. Karamihan ng mga Korporasyon ng Pederal na Pamahalaan

Ang “Alberta Occupational Health and Safety Act” ay sumasakop sa kahit sino mang hindi nagtratrabaho sa mga industriyang nakalista. Pakitignan ang bahagi ng “Alberta Occupational Health and Safety Act” kapag hindi ka nagtratrabaho sa mga industriyang nakalista.

Kahulugan ng Panganib

Ang mga kabilang sa “panganib” ay ang mga umiiral o malamang na peligro, kondisyon, o ano mang kasulukuyan o hinaharap na aktibidad na kung saan makatwiran na maasahan na magpinsala o magpasakit ng tao

Ang dalawang mahalagang intindihin ay:

  • “Malamang na Peligro o Kondisyon” at
  • “Ano mang kasulukuyan o hinaharap na aktibidad”

Kailangan magkaroon ng makatwiran na inaasahan na ang isang bagay ay makakapinsala o magpapasakit ng tao bago ayusin ang peligro o kondisyon, o ibahin ang akitibidad, o bago gamitin ng mga manggagawa ang kanilang karapatan na tanggihan ang mapanganib na trabaho(s.122(1)).

Karapatan na Tanggihan ang Mapanganib na Trabaho

Ang “Canada Occupational Health and Safety Regulations” ay nagbibigay sa mga empleyado ng karapatan na tanggihan ang mapanganib na trabaho. Narito ang ilang mga patnubay:

  • Mag-report kaagad sa inyong maypagawa ng mga detalye ng napansing peligro at sabihin na ginagamit mo ang iyong karapatan na tanggihan ang trabaho dahil sa paniwala mo na ang peligro ay mapanganib.
  • Kapag sumang-ayon ang iyong maypagawa na meron ngang panganib, ang maypagawa ay kailangan gumawa kaagad ng aksyon para pangalagaan kayo at mga ibang empleyado mula sa panganib at ibigay alam sa komite o sa kinatawan ng kalusugan at kaligtasan sa trabaho kung ano ang mga ginawang aksyon para maayos ang problema.

Kung meron kayong sama-samang kasunduan na nag-uulat ng wikang gagamitin para sa pagtanggi ng trabaho, kailangan piliin mo ang proseso na susundin mo bago mo gamitin ang iyong karapatan. Kapag nakapili ka na, hindi ka na maaring mag-iba ng isip maliban lang kung pumayag ang iyong maypagawa (s.128 (7)).

Maari mo rin tanggihan magtrabaho kung meron kang makatwiran na dahilan para paniwalaan na ang pagganap ng akitibidad ng ibang manggagawa ay mapanganib sa iyo sa ibang manggagawa(s.128 (1)(c)).

Hindi ka maaring tumanggi sa mga ilang mapanganib na kalagayan. Ang mga kalagayan na ito ay:

  • Kapag ang iyong pagtangging magtrabaho ay maglalagay sa matinding panganib ng buhay, kalusugan, at kaligtasan ng ibang tao(s.128(2)(a));
  • Kapag ang panganib ay pangkaraniwan na kondisyon ng trabaho (s.128(2)(b)).

Kapag Walang Kapasiyahan:

  • Maaring ipagpatuloy mong tumangging magtrabaho, mag-report kaagad ng mga kalagayan sa iyong maypagawa at sa komite ng trabaho o sa kinatawan ng kalusugan at kaligtasan.
  • Pagkatapos malaman ang iyong patuloy na pagtanggi, ang iyong maypagawa ay kailangan imbestigahan ang kalagayan sa iyong harapan at sa harapan ng isang manggagawa na miyembro ng komite sa trabaho, o ang kinatawan ng kalusugan o kaligtasan, o kung parehong wala, isang manggagawa na pinili mo.
  • Kapag hindi sumang-ayon ang iyong maypagawa na ang kalagayan ay mapanganib, pero may makatwiran kang dahilan para maniwala na ang panganib ay umiiral pa rin, maari mong ituloy ang pagtangging magtrabaho
  • Pagkatapos malaman ang iyong patuloy na pagtanggi, ang iyong maypagawa ay magbibigay abiso sa Opisyal ng Kalusugan at Kaligtasan ng “Human Resources and Social Development Canada” (HRSDC) ng iyong pagtanggi.
  • Ikaw ay maaring italaga sa ibang makatwiran na trabaho o hilingin na manatili sa isang ligtas na bahagi ng lugar ng trabaho.
  • Pagkatapos malaman ang iyong patuloy na pagtanggi, iimbestigahan ng Opisyal ng Kalusugan at Kaligtasan ang kalagayan sa harapan ng lahat ng mga partido.
  • Ang Opisyal ng Kalusugan at Kaligtasan ay magpapasiya kung meron ngang panganib na umiiral at magbibigay ng kasulatan na naglalaan ng kanyang desisyon sa empleyado at sa maypagawa.

Paano Mag-apela ng Desisyon na hindi ka Sumasang-ayon

Ang empleyado na hindi sumasang-ayon sa desisyon ng Opisyal ng Kalusugan at Kaligtasan ay walang karapatan na ipagpatuloy ang pagtanggi sa trabaho, ngunit siya ay meron sampung (10) araw na magbigay ng isang nakasulat na apela sa isang Opisyal ng Apela mula sa “Occupational Health and Safety Tribunal Canada” (OHSTC).

Ang maypagawa, o empleyado, o union sa pangangalakal, ay maaring umapela sa kapasiyahan ng Opisyal ng Kalusugan at Kaligtasan sa pamamagitan ng pagbigay ng nakasulat na apela sa isang Opisyal ng Apela ng OHSTC sa loob ng tatlumpung (30) araw pagkatapos ng unang kapasiyahan.

Mapeligrong Materyales

Kailangan ipaalam ng mga maypagawa sa lahat ng kanyang mga empleyado kung meron mang mapeligrong materyales na gagamitin sa trabaho. Ang mga materyales na ito ay pinag-uri-uri, at pinapaliwanag sa “Workplace Hazardous Material Information System” (WHMIS).

Mga siniksik na gas, mga madaling masunog at magliyab na materyal, mga oxidizing na materyal, mga nakalalason at nakakahawang materyal, mga materyal na nauubos unti-unti, at mga mapanganib na reaktibo na materyal, ay may kasamang nakasulat na “Material Safety Data Sheet” (MSDS), at dapat ibigay ng maypagawa sa kanyang mga empleyado. Ang mga mapeligrong materyales, na pinag-uri-uri ng WHMIS, ay dapat nakaimbak sa mga lalagyan na may babalang etiketa mula sa WHMIS.

Dapat bigyan ng maypagawa ng pagsasanay ang mga empleyado sa:

  • Pagbasa ng mga etiketa ng WHMIS para makilala nila ang mga mapeligrong materyales sa lugar ng trabaho at maintindihan ang mapeligrong epekto ng mga materyales;
  • Makakuha ng kopya ng MSDS at paano basahin ang kasulatan;
  • Ligtas na paggamit ng mga mapeligrong materyales sa loob ng lugar ng trabaho;
  • Wastong pag-imbak at pagtapon ng mga mapeligrong materyales;
  • Kaalaman kung anong dapat gawin kung meron lumigwak o nakawalang materyal, sunog o pagkalason na sanhi ng mga mapeligrong materyal; at
  • Paggamit ng mga kagamitan pang proteksyon sa oras ng emerhensya.

Ang impormasyon tungkol sa “Health and Safety in the Federal Sector” ay nalikom mula sa mga website ng “Public Service Alliance of Canada” at ng “Alberta Federation of Labour”.

Para sa karagdagan na impormasyon, bumisita sa:

http://laws-lois.justice.gc.ca/eng/regulations/SOR-86-304/index.html

Kung kailangan mo ng tulong na magharap ng reklamo na ayon sa “Canadian Occupational Health and Safety”, pakitignan ang bahagi ng “Resources” ng aplikasyon.

Ang Calgary & District Labour Council (C&DLC) ay hindi nagbibigay ng garantiya sa ganap na kawastuan ng mga impormasyon na nilalaman ng aplikasyon na ito at ang mga gumagamit ay hindi dapat magtiwala dito. Ang mga gumagamit ay dapat deretsong kumunsulta sa mga batayan ng pamahalaan para makaseguro na ganap ang kawastuan ng mga batas bago gumawa ng mga aksyon na nababatay, o umaasa, sa mga kondisyon ng pambatasan na tinukoy at ibinuod sa aplikasyon na ito. Itong aplikasyon na ito, kasama pero hindi limitado sa mga bagay na “interactive” at mga nilalaman nito, ay nakalaan dito ng “as is” na batayan. Ang C&DLC ay malinaw na pinagkakaila ang lahat ng mga garantiya na may kakayahang maikalakal, na angkop sa isang partikular na layunin, at na hindi lumalabag. Ang C&DLC ay malinaw na pinagkakaila ang ano mang pananagutan sa ano mang pagkawala, pananakit, paghahabol, pagkakautang, o pinsala na sanhi ng, o nagmula sa, o maykinalaman sa: (a) ano mang pagkakamali o pagkukulang ng aplikasyon na ito, mga bagay na “interactive” at nilalaman nito, kasama na pero hindi limitado sa mga, teknikal na kamalian at mga sala sa paglilimbag; (b) mga komunikasyon ng mga ibang partido; (c) mga website ng ibang partido at mga nilalaman nito na deretsong mararating mula sa mga “links” ng aplikasyon, kasama na pero hindi limitado sa mga kamalian o hindi naisama dito; (d) hindi makakuha ng aplikasyon na ito, ang mga bagay na “interactive”, mga nilalaman, at ano mang bahagi nito; (e) paggamit mo ng aplikasyon na ito, sa mga bagay na “interactive o ang nilalaman nito; at (f) paggamit mo ng ano mang kagamitan, “hardware” o “software” na may kinalaman sa aplikasyon na ito, mga bagay na “interactive” at mga nilalaman nito.