Alberta Occupational Health and Safety
Kalusugan at Kaligtasan ng Panghanapbuhay sa Alberta
Ang Batas para sa Kalusugan at Kaligtasan ng Naghahanapbuhay sa Alberta o ang
“Alberta Occupational and Safety Act” ay sumasakop sa lahat ng mga mangagawa maliban sa mga nagtratrabaho sa mga sumusunod na industriya:
- Pagbabangko
- Mga Sasakyang Pang-dagat
- Mga Serbisyo sa mga Puwerto at Lantsang Pantawid
- Mga Sasakyan Panghimpapawid, kasama ang mga Paliparan, Aerodromes at mga Kumpanya ng Eroplano
- Mga Tren at Riles
- Mga Sasakyan Panglansangan na Tumatawid ng mga Panlalawigan o Pang-Internasyonal na Hangganan
- Mga Kanal
- Mga Tubo ng Langis
- Mga Lagusan at Tulay (na tumatawid ng mg hangganan ng mga lalawigan)
- Mga Sistema ng Telepono, Telegrapo, at Kable
- Ibinobrodkast na Radio at Telebisyon
- Mga Bodega ng Butil
- Mga Gilingan ng Palay at Pakain sa Hayop
- Pagmimina at Pagproseso ng Uraniyo
- Mga Negosyo na Nauukol sa Pagkalinga ng mga Isda bilang Likas Yaman
- Karamihan ng mga Gawain ng mga “First Nation”
- Karamihan ng mga Korporasyon ng Pederal na Pamahalaan
Ang sino man na nagtratrabaho sa mga nakalistang industriya ay sinasakop ng “Canadian Occupational Health and Safety Regulations”. Pakitignan ang bahagi ng “Canadian Occupational Health and Safety Regulations” kung nagtratrabaho ka sa mga nakalistang industriya.
Karapatan na Tanggihan ang Mapanganib na Trabaho
Ang mapanganib na trabaho ay trabaho na may “malamang na mangyaring panganib” na maaring maging:
- Isang panganib na hindi pangkaraniwan para sa uri ng trabaho, o
- Isang panganib na umiiral sa uri ng trabaho na hindi pangkaraniwan na gagawin ng isang manggagawa
Ang mga manggagawa sa Alberta ay maaring tanggihan ang trabaho, na sa kanilang paniwala, ay may malamang na mangyaring panganib sa sarili, o sa ibang manggagawa sa lugar ng trabaho. Eto ay pinapaliwanag sa “Alberta Occupational Health and Safety Act”.
Ang mga nagtratrabaho sa loob ng bahay, tulad ng mga nag-aalaga ng tao at namamahala ng bahay, at ibang mga manggagawa sa agrikultura, ay hindi maaring tumanggi ng trabahong mapanganib, dahil hindi nakasakop sa “Alberta Occupational Health and Safety Act” ang mga manggagawa na ito.
Ang mga manggagawa na tumangging gawin ang mapanganib na trabaho ay hindi maaring tanggalin o parusahan, pero may mga maypagawa ang nagpaparusa ng mga manggagawa na nagsusumbong na mapanganib ang trabaho. Ang mga manggagawa na nagsumbong na mapanganib ang trabaho ay may karapatan na tumanggap ng pasahod, pero maari silang ilipat sa ibang trabaho habang inaayos ang problema.
Ang “Alberta Occupational Health and Safety Act” ay naghahayag na kung napagbigay alam sa maypagawa na may trabahong mapanganib, may katungkulan silang siguruhin na walang ibang manggagawa na itatalagang gawin ang trabaho, maliban sa:
- Ang manggagawa na itinalaga ay hindi humaharap ng panganib na malamang na mangyari, o
- Ang panganib na malamang mangyari ay natanggal na
Ang Proseso sa Pagtangi ng Mapanganib na Trabaho
- Magsumbong at manatili sa lugar para maimbestigahan ng superbisor
Dapat isumbong kaagad ng manggagawa sa kanyang superbisor at sa kinatawan ng kalusugan at kaligtasan ng mga manggagawa (kung meron man) ang kanyang pagtanggi sa pagtrabaho at ang pagkabahala sa kaligtasan. Dapat manatili ka sa lugar ng trabaho habang ginagawa ng paraan na isumbong ang pagtanggi. Eto ay maaring magbawas ng mga komplikasyon sa darating na proseso.
Pagkatapos malaman ng superbisor ang pagtanggi sa trabaho, iimbestigahan at aayusin niya ang problema, at magbibigay ng ulat sa manggagawa na nagsasabi kung ano ang nakita at ang ginawang pag-aayos.
- Imbestigasyon ng opisyal ng kalusugan at kaligtasan
Pagkatanggap ng report mula sa superbisor, kapag paniwala ng manggagawa na ang trabaho ay mapanganib pa rin, maari siyang tumawag sa 1-866-415-8690 para magharap ng reklamo sa “Occupational Health and Safety Contact Centre”. Ang mga manggagawa na bingi o mahina ang pagdinig ay maaring tumawag sa 780-427-9999 sa Edmonton, o sa 1-800-232-7215 sa ibang lugar sa lalawigan. Lahat ng tawag sa “Occupational Health and Safety Contact Centre” ay kompidensyal.
Dapat malaman ng kinatawan ng kalusugan at kaligtasan ng mga manggagawa kung meron hindi pagkasunduan sa lugar ng trabaho.
Ang opisyal ng “Occupational Health and Safety” mula sa opisina ng “Workplace Health and Safety”, ay mag-iimbestiga ng trabaho, gagawa ng desisyon, at ibibigay ang kanyang nakasulat na desisyon sa manggagawa at sa superbisor. Inaasahan na aayusin ng superbisor ang trabaho kapag kinakailangan ayusin, at babalik sa trabaho ang manggagawa kapag ang desisyon ng opisyal ay hindi na mapanganib sa trabaho.
Ang manggagawa na hindi sumasang-ayon sa desisyon ng opisyal ay maaring humiling sa “Occupational Health and Safety Council” na gumawa ng pagsusuri.
Karapatan na Malaman
Ang mga manggagawa ay may karapatan malaman kung may mga peligro at posibleng peligro sa lugar ng trabaho. Ang mga peligro ay maaring manggaling mula sa mga nakakalason na kemikal na ginagamit sa paglinis, mula sa panliligalig, at mula sa marahas na krimen. Kaalaman tungkol sa mga peligro at pagsasanay sa pag-iwas sa peligro ay magpapaligtas ng trabaho ng mga manggagawa.
Malalaman ng mga manggagawa ang mga peligro sa trabaho dahil nakapahayag sa mga batas ng kalusugan at kaligtasan ng lalawigan, na dapat sabihin ng mga maypagawa sa mga manggagawa kung meron mang peligro sa trabaho. Ganun din, dapat maturuan ng mga maypagawa ang mga manggagawa sa wastong paggawa ng trabaho kapag nakapahayag sa mga batas ng kalusugan at kaligtasan ng lalawigan na dapat maturuan sila.
Mapeligrong Materyales
Kailangan ipaalam ng mga maypagawa sa lahat ng kanyang mga empleyado kung meron mang mapeligrong materyales na gagamitin sa trabaho. Ang mga materyales na ito ay pinag-uri-uri, at pinapaliwanag sa “Workplace Hazardous Material Information System” (WHMIS).
Mga siniksik na gas, mga madaling masunog at magliyab na materyal, mga oxidizing na materyal, mga nakalalason at nakakahawang materyal, mga materyal na nauubos unti-unti, at mga mapanganib na reaktibo na materyal; ay may kasamang nakasulat na “Material Safety Data Sheet” (MSDS), at dapat ibigay ng maypagawa sa kanyang mga empleyado. Ang mga mapeligrong materyales, na pinag-uri-uri ng WHMIS, ay dapat nakaimbak sa mga lalagyan na may babalang etiketa mula sa WHMIS.
Dapat bigyan ng maypagawa ng pagsasanay ang mga empleyado sa:
- Pagbasa ng mga etiketa ng WHMIS para makilala nila ang mga mapeligrong materyales sa lugar ng trabaho at maintindihan ang mapeligrong epekto ng mga material;
- Makakuha ng kopya ng MSDS at paano babasahin ang kasulatan;
- Ligtas na paggamit ng mga mapeligrong materyales sa lugar ng trabaho;
- Wastong pag-imbak at pagtapon ng mga mapeligrong materyales;
- Kaalaman kung anong dapat gawin kung meron lumigwak o nakawalang materyal, sunog o pagkalason na sanhi ng mga mapeligrong materyal; at
- Paggamit ng mga kagamitan pang-proteksyon sa oras ng emerhensya
Ang impormasyon tungkol sa “Occupational Health and Safety” sa Alberta ay nalikom mula sa website ng “Alberta Federation of Labour”.
“Alberta Occupational Health and Safety Act”:
http://work.alberta.ca/occupational-health-safety/307.html
Kung meron kang reklamo tungkol sa “Occupational Health and Safety” at gusto mo ng impormasyon, maari kang tumawag ng kompidensiyal sa1‑866‑415‑8690 (libre) o tignan ang bahagi ng “Resources” ng aplikasyon.
Ang Calgary & District Labour Council (C&DLC) ay hindi nagbibigay ng garantiya sa ganap na kawastuan ng mga impormasyon na nilalaman ng aplikasyon na ito at ang mga gumagamit ay hindi dapat magtiwala dito. Ang mga gumagamit ay dapat deretsong kumunsulta sa mga batayan ng pamahalaan para makaseguro na ganap ang kawastuan ng mga batas bago gumawa ng mga aksyon na nababatay, o umaasa, sa mga kondisyon ng pambatasan na tinukoy at ibinuod sa aplikasyon na ito. Itong aplikasyon na ito, kasama pero hindi limitado sa mga bagay na “interactive” at mga nilalaman nito, ay nakalaan dito ng “as is” na batayan. Ang C&DLC ay malinaw na pinagkakaila ang lahat ng mga garantiya na may kakayahang maikalakal, na angkop sa isang partikular na layunin, at na hindi lumalabag. Ang C&DLC ay malinaw na pinagkakaila ang ano mang pananagutan sa ano mang pagkawala, pananakit, paghahabol, pagkakautang, o pinsala na sanhi ng, o nagmula sa, o maykinalaman sa: (a) ano mang pagkakamali o pagkukulang ng aplikasyon na ito, mga bagay na “interactive” at nilalaman nito, kasama na pero hindi limitado sa mga, teknikal na kamalian at mga sala sa paglilimbag; (b) mga komunikasyon ng mga ibang partido; (c) mga website ng ibang partido at mga nilalaman nito na deretsong mararating mula sa mga “links” ng aplikasyon, kasama na pero hindi limitado sa mga kamalian o hindi naisama dito; (d) hindi makakuha ng aplikasyon na ito, ang mga bagay na “interactive”, mga nilalaman, at ano mang bahagi nito; (e) paggamit mo ng aplikasyon na ito, sa mga bagay na “interactive o ang nilalaman nito; at (f) paggamit mo ng ano mang kagamitan, “hardware” o “software” na may kinalaman sa aplikasyon na ito, mga bagay na “interactive” at mga nilalaman nito.