Canada Pension Plan (CPP) Retirement Pension
Ang Pangretirong Pensiyon ng “Canada Pension Plan” (CPP)
Ang Plano para sa Pangretirong Pensiyon ng “Canada Pension Plan”, o ang “CPP Retirement Pension Plan” ay isang buwanan na benepisyo na dinisenyo para palitan ang halos 25% na kinikita ng pangkaraniwan na tao sa kabuuan ng kaniyang pagtratrabaho bago siya nag-retiro, at ang halaga na ito ay hindi hihigit sa $1,134.17 kada buwan.
Ang “CPP Retirement Pension” ay pinapalakad sa lahat ng mga lalawigan at mga teritoryo ng Canada maliban sa lalawigan ng Quebec. Ang lalawigan ng Quebec ay namamahala ng kanilang programa na ang tawag ay “Quebec Pension Plan (QPP)”.
Ang “CPP Retirement Pension Plan” ay sadyang isang bahagi lamang ng plano mo sa pagretiro. Mga ibang makukunan ng sustento sa pagretiro ay: “Canada’s Old Age Security program”, mga pribadong plano ng pensiyon at mga pinamuhunan.
Lahat ng tao sa Canada na mahigit 18 taon na gulang na nagtratrabaho at kumikita ng mahigit $3,500.00 kada taon ay dapat magbigay ng kontribusyon sa CPP o QPP.
Hindi ka kailangan magbigay ng kontribusyon sa CPP habang tumatanggap ka ng
“Canada Pension Plan Disability Benefit” o sa mga panahon na wala kang kinikita.
Maaring makaepekto sa mga benepisyo mo ang mga panahon na mababa o wala kang kinikita. Ang pagkuwenta ng CPP ay binibase sa dami at sa tagal ng kontribusyon mo.
Mula 2012, kung tumatanggap ka ng pangretirong pensiyon mula sa CPP at kasalukuyang nagtratrabaho ka pa at nagbibigay ng kontribusyon sa CPP, ang mga kontribusyon mo ay hindi isasama sa bilang ng panahon na nagbibigay ka ng kontribusyon. Sa halip, ang mga kontribusyon mo ay ibibilang sa mga benepisyong matatanggap mo pagkatapos kang magretiro.
Maari mong bisitahin ang website ng “Service Canada” para makita at makakuha ng kopya ng iyong “CPP Statement of Contributions” sa pamamagitan ng “My Service Canada Account”.
Maari ka rin tumawag sa 1-800-277-9914 at humiling na ipadala sa koreo ang kopya ng iyong “CPP Statement of Earnngs”. Ang TTY telepono ay 1-800-255-4786.
Paano kung ako ay nakatira o nagtrabaho sa ibang bansa?
Kung ikaw ay tumira o nagtrabaho sa ibang bansa, o ikaw ang tagapagmana ng isang taong tumira o nagtrabaho sa ibang bansa, maari kang makatanggap ng mga benepisyo mula sa Canada at sa ibang bansa.
Bisitahin ang bahagi ng “International Benefits” sa website ng “Canada Pension Plan Retirement Pension” para makahanap ng listahan ng mga kasunduan ng Canada sa ibang bansa na ukol sa seguro sa lipunan.
Anong edad ako makakatanggap ng mga benepisyo?
Ang pinaka-maaga na makakatanggap ka ng mga pangretirong pensiyon mula sa CPP ay sa edad ng 60. Anong edad kung kalian ka nag-umpisang nagbigay sa CPP ay may malaking epekto sa halaga na makukuha mo habang buhay.
Hindi ka kailangan tumigil magtrabaho para makatanggap ka ng pangretirong pensiyon mula sa CPP.
Kung ikaw ay nagsimulang tumanggap ng pensiyon bago ka maging edad na 65, babawasan ng CPP ang halaga ng iyong pensiyon ng isang nakatakdang porsiyento sa bawat buwan na tumatanggap ka bago ka maging edad na 65. Ang pag-aayos na ito ay permanente. Ang iyong pensiyon kada buwan ay hindi madadagdagan kapag maging 65 anyos ka na.
Kung mag-umpisa kang tumanggap ng pensiyon mula sa CPP sa edad na 65, matatanggap mo ang buong pensiyon na karapat-dapat mong matanggap.
Paano ako mag-apply para makatanggap ng aking pensiyon?
Para makatanggap ka ng iyong pensiyon mula sa CPP, kailangan mong mag-apply sa CPP ng 6 na buwan bago mo gustong mag-umpisa ang iyong pensiyon.
Maari mong kumpletuhin at ibigay online ang iyong aplikasyon. Sa huling bahagi ng iyong aplikasyon, kailangan mong ilimbag at pirmahan ang pipirmahang pahina at ipadala ito ng koreo sa “Service Canada”.
Maari mo rin ilimbag ang papel na aplikasyon, kumpletuhin, pirmahan, at ipadala ito ng koreo sa “Service Canada”.
Paano kung huli na ako mag-apply?
Kung gusto mong magumpisa ang iyong pensiyon sa edad ng 60 hanggang 64, dapat kang mag-apply ng anim na buwan bago makatanggap ng unang benepisyo, dahil walang binibigay na bayad na may bisa sa nakaraan bago maging edad na 65.
Kung mag-apply ka sa CPP ng retirong pensiyon pagkatapos ng edad na 65, ang “Service Canada” ay maari lang magbigay ng mga bayad ng iyong panretirong pensiyon na may bisa sa nakaraang 12 buwan lamang, pero hindi maaring mas maaga sa buwan pagkatapos ng iyong ika-65 na kaarawan.
Ang impormasyon tungkol sa mga benepisyong pang-retiro ng CPP ay kinuha mula sa website ng Pamahalaan ng Canada.
Canada Pension Plan Retirement Website:
http://www.servicecanada.gc.ca/eng/services/pensions/cpp/retirement/index.shtml
Kung kailangan mo ng tulong para mag-apply ng “CPP Retirement Plan”, pakitignan ang “Resources Section” ng aplikasyon na ito.
Ang Calgary & District Labour Council (C&DLC) ay hindi nagbibigay ng garantiya sa ganap na kawastuan ng mga impormasyon na nilalaman ng aplikasyon na ito at ang mga gumagamit ay hindi dapat magtiwala dito. Ang mga gumagamit ay dapat deretsong kumunsulta sa mga batayan ng pamahalaan para makaseguro na ganap ang kawastuan ng mga batas bago gumawa ng mga aksyon na nababatay, o umaasa, sa mga kondisyon ng pambatasan na tinukoy at ibinuod sa aplikasyon na ito. Itong aplikasyon na ito, kasama pero hindi limitado sa mga bagay na “interactive” at mga nilalaman nito, ay nakalaan dito ng “as is” na batayan. Ang C&DLC ay malinaw na pinagkakaila ang lahat ng mga garantiya na may kakayahang maikalakal, na angkop sa isang partikular na layunin, at na hindi lumalabag. Ang C&DLC ay malinaw na pinagkakaila ang ano mang pananagutan sa ano mang pagkawala, pananakit, paghahabol, pagkakautang, o pinsala na sanhi ng, o nagmula sa, o maykinalaman sa: (a) ano mang pagkakamali o pagkukulang ng aplikasyon na ito, mga bagay na “interactive” at nilalaman nito, kasama na pero hindi limitado sa mga, teknikal na kamalian at mga sala sa paglilimbag; (b) mga komunikasyon ng mga ibang partido; (c) mga website ng ibang partido at mga nilalaman nito na deretsong mararating mula sa mga “links” ng aplikasyon, kasama na pero hindi limitado sa mga kamalian o hindi naisama dito; (d) hindi makakuha ng aplikasyon na ito, ang mga bagay na “interactive”, mga nilalaman, at ano mang bahagi nito; (e) paggamit mo ng aplikasyon na ito, sa mga bagay na “interactive o ang nilalaman nito; at (f) paggamit mo ng ano mang kagamitan, “hardware” o “software” na may kinalaman sa aplikasyon na ito, mga bagay na “interactive” at mga nilalaman nito.