Workers’ Compensation Board (WCB)

Ang Konseho para sa Kabayaran ng mga Manggagawa

Ang Batas para sa Kabayaran ng mga Manggagawa sa Alberta, o ang “Alberta Workers Compensation Act” ay nalalapat sa lahat ng mga empleyado ng mga industriya na sakop ng mga Pederal na Pamahalaan at Pamahalaan ng Lalawigan.

Impormasyon para sa Manggagawa:

Ang WCB ay isang samahan na hindi pangkalakal na tumutulong sa mga manggagawa na napinsala habang nagtratrabaho sa pamamagitan ng pagbigay ng tulong pinansyal sa mga nawalan ng pasahod. Ang WCB ay nakatutok tumulong sa mga napinsalang manggagawa para makabalik kaagad sa trabaho. Habang ang karamihan ng mga maypagawa at manggagawa ay nasasakop ng WCB, may mga ibang industriya na hindi nasasakop.

Ang Kahulugan ng Aksidente Ayon sa WCB:

Ang aksidente ay maaring nagmula o nangyari habang nagtratrabaho at kasali ang:

  • Isang kusa at sadyang aksyon na HINDI aksyon ng napinsalang manggagawa
  • Isang nataon lang na pangyayari
  • Pagkabaldado
  • Isang kondisyon na nagpabaldado o posibleng magpabaldado na nagmula sa sakit na dahilan ng pagtrabaho

Maaring Magbigay ang WCB ng:

Kapalit na pasahod para sa nawalang kita

  • Mga benepisyo para sa nabaldado na batay sa 90% ng linis na kita hanggang sa pinakamalaking halaga na tinakda kada taon ng Konseho ng mga Direktor

Mga Serbisyong Medikal

  • Mga gastusin na may kaugnayan sa pagpapagamot ng pinsala sa pagtrabaho (tulad ng pang-ospital, pagpapagamot, mga reseta ng gamot, mga prostisis, mga tasa, at mga tulong bokasyonal)
  • Kasama ang mga gastusin habang dumadalo sa mga klinika ng “Occupational Injury Services”

Mga Serbisyo Para Makabalik sa Trabaho

  • Kasama ang gastusin tulad ng pagsulat ng resume, tulong sa paghanap ng trabaho, pagsasanay, at mga programang akademiko.

Mga Gastusin sa Paglibing at mga Benepisyo para sa mga Nakaligtas

Mga Katungkulan ng Manggagawa kapag may Nangyari Pinsala

Mag-report ng pinsala sa:

1) Maypagawa

  • Kumuha ng “Employee Information Package” (kung meron) at dalhin sa doktor

2) Doktor

  • Kung maari, magdala ng “Physical Demands Analysis” at kopya ng inyong deskripsyon ng trabaho

3) Workers’ Compensation Board

  • Complete Injury Report immediately (report online at wcb.ab.ca or complete a paper form).
  • Magbigay kaagad ng buong ulat ng pinsala (mag-report online sa wcb.ab.ca o magbigay ng papel na ulat)

Ang impormasyon sa mga benepisyo ng “Workers’ Compensation” ay nalikom mula sa website ng Pamahalaan ng Canada.

Matatawagan:

Phone: 1-800-661-9608

Fax: 1-800-661-1993

Website: http://www.wcb.ab.ca/

Kung kailangan mo ng tulong na magharap ng kahilingan sa WCB, pakitignan ang bahagi ng “Resources” ng aplikasyon na ito.

Ang Calgary & District Labour Council (C&DLC) ay hindi nagbibigay ng garantiya sa ganap na kawastuan ng mga impormasyon na nilalaman ng aplikasyon na ito at ang mga gumagamit ay hindi dapat magtiwala dito. Ang mga gumagamit ay dapat deretsong kumunsulta sa mga batayan ng pamahalaan para makaseguro na ganap ang kawastuan ng mga batas bago gumawa ng mga aksyon na nababatay, o umaasa, sa mga kondisyon ng pambatasan na tinukoy at ibinuod sa aplikasyon na ito. Itong aplikasyon na ito, kasama pero hindi limitado sa mga bagay na “interactive” at mga nilalaman nito, ay nakalaan dito ng “as is” na batayan. Ang C&DLC ay malinaw na pinagkakaila ang lahat ng mga garantiya na may kakayahang maikalakal, na angkop sa isang partikular na layunin, at na hindi lumalabag. Ang C&DLC ay malinaw na pinagkakaila ang ano mang pananagutan sa ano mang pagkawala, pananakit, paghahabol, pagkakautang, o pinsala na sanhi ng, o nagmula sa, o maykinalaman sa: (a) ano mang pagkakamali o pagkukulang ng aplikasyon na ito, mga bagay na “interactive” at nilalaman nito, kasama na pero hindi limitado sa mga, teknikal na kamalian at mga sala sa paglilimbag; (b) mga komunikasyon ng mga ibang partido; (c) mga website ng ibang partido at mga nilalaman nito na deretsong mararating mula sa mga “links” ng aplikasyon, kasama na pero hindi limitado sa mga kamalian o hindi naisama dito; (d) hindi makakuha ng aplikasyon na ito, ang mga bagay na “interactive”, mga nilalaman, at ano mang bahagi nito; (e) paggamit mo ng aplikasyon na ito, sa mga bagay na “interactive o ang nilalaman nito; at (f) paggamit mo ng ano mang kagamitan, “hardware” o “software” na may kinalaman sa aplikasyon na ito, mga bagay na “interactive” at mga nilalaman nito.