Canada Labour Code

Ang Kodigo ng mga Gawain sa Canada

Ang Kodigo ng Gawain sa Canada (Canada Labour Code) ay nalalapat sa lahat ng mga industriya na pinapangasiwaan ng pederal na pamahalaan at karamihan ng mga korporasyon ng pamahalaan, at kasama rin ang mga sumusunod:

  1. Pagbabangko
  2. Mga Sasakyang Pang-dagat
  3. Mga Serbisyo sa mga Puwerto at Lantsang Pantawid
  4. Mga Sasakyan Panghimpapawid, kasama ang mga Paliparan, Aerodromes at mga Kumpanya ng Eroplano
  5. Mga Tren at Riles
  6. Mga Sasakyan Panglansangan na Tumatawid ng mga Panlalawigan o Pang-Internasyonal na Hangganan
  7. Mga Kanal
  8. Mga Tubo ng Langis
  9. Mga Lagusan at Tulay (na tumatawid ng mg hangganan ng mga lalawigan)
  10. Mga Sistema ng Telepono, Telegrapo, at Kable
  11. Ibinobrodkast na Radio at Telebisyon
  12. Mga Bodega ng Butil
  13. Mga Gilingan ng Palay at Pakain sa Hayop
  14. Pagmimina at Pagproseso ng Uraniyo
  15. Mga Negosyo na Nauukol sa Pagkalinga ng mga Isda bilang Likas Yaman
  16. Karamihan ng mga Gawain ng mga “First Nation”
  17. Karamihan ng mga Korporasyon ng Pederal na Pamahalaan

Ang “Canada Labour Code” ay hindi nalalapat sa Serbisyong Pampubliko ng Pederal na Pamahalaan. Kapag ikaw ay nagtratrabahao sa ibang industriya, basahin ang bahagi ng Alberta Employment Standards Code ng aplikasyon.

Pinakamababang Pasahod

Ang pinakamababang pasahod na sakop ng “Canada Labour Code” ay ang nakatakdang pinakamababang pasahod sa lalawigan kung saan ginawa ang trabaho.

  • Ang kasalukuyan pinakamababang pasahod sa Alberta ay $9.95 kada oras

Pinakamababang Dami ng Oras ng Trabaho kada Araw

3 oras kada araw ng trabaho

Mga Oras ng Tarabaho

Ang takdang oras ng trabaho kada araw ay ang lahat ng oras na trinabaho sa loob ng 24 oras magmula hatinggabi hanggang 11:59:59 ng gabi

Kada linggo, ang pinakamaraming oras na maaring magtrabaho ay 48 oras.

Mga Oras ng Pahinga

Ang “Canada Labour Code” ay walang binabanggit tungkol sa mga oras ng pahinga tuwing araw ng trabaho.

Mga Araw na Walang Trabaho

Kada lingo, dapat magkaroon ng isang araw na walang trabaho – sana tuwing Linggo

Obertaym

Hindi lahat ng mga empleyado ay may karapatan na tumanggap ng bayad sa obertaym:

  • Mga manager, superintende, at mga empleyado na namamahala ay walang karapatan na tumanggap ng obertaym
  • Mga ibang industriya ay hindi nasasaklaw o may ibang mga patakaran
    • Mga hindi nasasaklaw
      • Mga arkitekto, dentista, inhinyero, abogado, at doktor
    • May ibang mga patakaran
      • Mga tsuper ng trak
      • Mga empleyado ng mga sasakyang pangdagat
      • Mga empleyado ng mga pangangalakal ng tren at riles
      • Mga ahente ng brodkasting na tumatanggap ng komisyon

Ang mga oras ng trabaho na higit sa 8 oras kada araw o 40 oras kada lingo, kung alin man ang mas malaki, ay tinuturing na obertaym (kabilang lang ang mga bayad na oras ng trabaho, hindi kasali ang mga oras ng pahinga na walang bayad)

  • Para makalkula ang obertaym sa loob ng isang lingo, bawasan ng 8 oras kada linggo sa bawat araw ng pangkaraniwan na pista, bakasyon, o araw para magluksa

Bayad sa Obertaym

Ang obertaym ay may bayad na isa’t kalahati ng halaga ng regular na pasahod

Pahintulot para sa Mahabagin na Pag-alaga

Ang lahat ng mga empleyado ay may karapatan na humingi ng pahintulot ng 8 linggo para magbigay ng mahabagin na alaga sa mga kamag-anak na may malubhang sakit na ayon sa doctor, ay malamang mamatay sa loob ng 26 na linggo

Kailangan magbigay ng isang medical na sertipiko mula sa doktor

Ang mga araw na walang trabaho ay hindi makakatanggap ng pasahod

Pahintulot para Magluksa

Ang lahat ng mga empleyado ay may karapatan na humingi ng pahintulot ng 1 araw sa loob ng 3 araw pagkatapos mamatay ang isang malapit na kamag-anak

  • Kapag ang empleyado ay mahigit sa 3 magkasunod na buwan nagtratrabaho, ang araw ng walang trabaho para magluksa ay may bayad
  • Kapag ang empleyado ay kulang sa 3 magkasunod na buwan nagtratrabaho, ang araw ng walang trabaho para magluksa ay walang bayad

Ang pinakamaraming araw na may pahintulot magluksa ay 3 araw lamang

Bakasyon

Pagkatapos magtrabaho ng isang takdang panahon, ang empleyado ay may karapatan na magbakasyon:

  • Pagkatapos ng 1 taon (sa ika-2 taon ng trabaho) = 2 linggong bakasyon
  • Pagkatapos ng 2 taon (sa ika-3 taon ng trabaho) = 2 linggong bakasyon
  • Pagkatapos ng 3 taon (sa ika-4 taon ng trabaho) = 2 linggong bakasyon
  • Pagkatapos ng 4 taon (sa ika-5 taon ng trabaho) = 2 linggong bakasyon
  • Pagkatapos ng 5 taon (sa ika-6 taon ng trabaho) = 3 linggong bakasyon
  • Pagkahigit ng 5 taon ng trabaho, may katumbas na 3 linggong bakasyon kada taon

Bayad sa Bakasyon

  • 2 linggong bakasyon ay may bayad na katumbas na 4% ng regular na kinikita ng empleyado
  • 3 linggong bakasyon ay may bayad na katumbas na 6% ng regular na kinikita ng empleyado

Ang mga oras ng bakasyon ay babayaran lamang kapag magbakasyon ang empleyado

  • Ano mang oras ng bakasyon na hindi nagamit sa katapusan ng trabaho ay dapat bayaran sa huling pasahod

Pangkaraniwan na Araw ng Pista

Meron siyam (9) na pangkaraniwan na araw ng pista na sakop sa “Canada Labour Code”: Araw ng Bagong Taon, Biyernes Santo, Araw ng Victoria, Araw ng Canada, Araw ng Mangagawa, Araw ng Pasasalamat, Araw ng Pag-alaala, Araw ng Pasko, at “Boxing Day”

Pasahod sa Pangkaraniwan na Araw ng Pista

Ang mga empleyado ay walang karapatan na tumanggap ng pasahod sa pangkaraniwan na araw ng pista kapag ang araw ng pista ay bumagsak sa loob ng unang 30 araw ng kanilang trabaho

Ang lahat ng mga trabahador ay may karapatan na tumanggap ng pasahod sa pangkaraniwan na araw ng pista kapag:

  • Nakapagtrabaho sila ng hindi bababa sa 15 araw sa loob ng 30 araw bago sumapit ang pangkaraniwan na araw ng pista

Kapag ang empleyado ay nagtrabaho sa pangkaraniwan na araw ng pista, sila ay tatanggap ng kanilang pangkaraniwan na sahod at may dagdag na isa’t kalahating araw na pasahod

Kapag ang Araw ng Bagong taon, Araw ng Canada, Araw ng Pag-alaala, o Araw ng Pasko ay nataon ng sa Sabado o Linggo na araw na walang trabaho, ang empleyado ay tatanggap ng pasahod ng isang araw bago o pagkatapos ng araw ng pista

Kapag ang araw ng pista ay nataon sa isang araw ng walang trabaho ng empleyado, ang empleyado ay may karapatan na magdagdag sa kanilang bakasyon ng isang araw ng walang trabaho na may pasahod, o sa ibang araw na napagkasunduan pareho ng empleyado at maypagawa

Pahintulot para sa May Sakit

Kapag ang empleyado ay nakabuo ng 3 buwan ng tuloy tuloy na trabaho, sila ay protektado na sa kanilang trabaho at hindi na maaring tanggalin sa dahilan ng sakit o pinsala

Ang proteksyon ay para sa mga araw ng kawalan na hindi hihigit sa 17 linggo

Ang pahintulot ay hindi makakatanggap ng pasahod mula sa maypagawa

Karamdaman na Kaugnay sa Trabaho at Pahintulot Dahil sa Pinsala

Kapag ang karamdaman o pinsala ay kaugnay sa trabaho, ang empleyado ay may karapatan na humingi ng kinakailangan na pahintulot

Ang mga maypagawa ay dapat magbigay ng sahod sa empleyado na nauukol sa mga batas ng “Workers’ Compensation” ng kanyang lalawigan at tirahan

Pagtatapos ng Trabaho

Ang mga maypagawa ay dapat magbigay ng 2 linggong abiso bago ang petsa ng pagtatapos ng trabaho. Kapag walang abisong naibigay, ang mga empleyado ay may karapatan na tumanggap ng hindi bababa sa 2 linggong pasahod

Ang abiso o pasahod na walang abiso ay hindi kailangan ibigay sa empleyado kapag:

  • Ang empleyado ay hindi nakabuo ng 3 buwan na tuloy tuloy na trabaho
  • Ang empleyado ay sariling kusang nagbitiw sa kanilang trabaho
  • Ang empleyado ay tinanggal sa trabaho sa makatarungan na dahilan
  • Ang empleyado ay inalis sa trabaho
    • Kapag ang dahilan ng pag-alis sa trabaho ay dahil sa welga o “lock-out”
    • Kapag ang termino ng pag-alis ay 3 buwan o mas mababa
    • Kapag ang termino ng pag-alis ay mula 3 hanggang 12 buwan na may posibilidad na mabalik sa trabaho dahil sa sama-samang kasunduan
    • Ang empleyado ay may karapatan na tumanggap ng pasahod ng pagkahiwalay kapag sila ay inalis sa trabaho

Ang empleyado ay may karapatan na makatanggap ng pasahod ng pagkahiwalay kapag sila ay nagtrabaho sa kanilang kumpanya ng hindi bababa sa 12 buwan

  • Ang halaga ng pasahod ng pagkahiwalay ay katumbas ng 2 araw na regular na pasahod sa bawat nakumpletong taon ng pagtrabaho, at ang benepisyo na ito ay hindi bababa na katumbas ng 5 araw ng pasahod
  • Ang pasahod ng pagkahiwalay ay hindi kailangan bayaran kapag ang empleyado ay tinanggal dahil sa makatarungan na dahilan

Ang mga empleyado ay hindi kailangan magbigay ng abiso sa kanilang maypagawa kapg sariling kusa silang tumigil ng trabaho

  • Ang halaga ng pasahod ng pagkahiwalay ay katumbas ng 2 araw na regular na pasahod sa bawat nakumpletong taon ng pagtrabaho, at ang benepisyo na ito ay hindi bababa na katumbas ng 5 araw ng pasahod
  • Ang pasahod ng pagkahiwalay ay hindi kailangan bayaran kapag ang empleyado ay tinanggal dahil sa makatarungan na dahilan

Pahintulot para sa Pagiging Ina o Magulang at Paglipat ng Trabaho

Kapag ang trabaho ay may posibilidad na makapinsala sa babaeng buntis, ang kanyang sanggol o inaalagaan na bata, ang empleyado ay maaring humiling na ibahin ang trabaho o ilipat ng ibang trabaho

Pahintulot sa Pagiging Ina

  • Para makatanggap ng pahintulot sa pagiging ina, ang empleyado ay kailangan na nakapagtrabaho ng 6 na sunod-sunod na buwan bago siya magumpisa ng kanyang pahintulot sa pagiging ina
  • May karapatan ng 17 linggo ng pahintulot sa pagiging ina
  • Maaring magumpisa ang pahintulot ng 11 linggo bago isilang ang sanggol at matatapos ng 17 weeks pagkatapos isilang ang sanggol

Pahintulot sa Pagiging Magulang

  • Maaring gamitin para sa isinilang na sanggol o para sa pa-ampon ng isang bata na wala pang edad ng 18 taong gulang
  • May karapatan na magkaroon ng 37 linggong pahintulot para sa magulang
  • Ang kapwang magulang ay maaring gamitin ang pahintulot nila pero kung ang kapwang magulang ay nasasakop ng parehong “Canada Labour Code”, sila ay may karapatan na gumamit ng pinagsamang 37 linggong pahintulot lamang
  • Maaring gamitin ang pahintulot kahit kailan sa loob ng 52 linggo pagkatapos isilang o ampunin ang bata

Proteksyon sa trabaho sa ilalim ng “Canada Labour Code”

  • Kapag bumalik na ang empleyado mula sa pahintulot, ang maypagawa ay dapat:
    • Upahan ang empleyado sa dating tungkulin bago umalis o sa isang parehong tungkulin
    • Upahan ang empleyado sa dating pasahod noong umalis ang empleyado maliban kung nagkaroon ng pagbabago sa kumpanya at ang lahat ng mga puwesto ay nabawasan o nadagdagan ng pasahod
  • Ang pahintulot na ito ay hindi kailangan bayaran ng maypagawa
  • Dapat magbigay ang empleyado ng nakasulat na abiso ng hindi bababa sa 4 na linggo bago umalis at dapat sabihan sa maypagawa ang haba ng panahon ng pahintulot sa trabaho

Proseso ng Pagreklamo

Ang empleyado ay dapat magharap ng kanilang reklamo sa loob ng 90 araw pagkatapos malaman nila, o kung kailan nila dapat nalaman, ang pangyayari na sanhi ng reklamo

Pag-upa ng mga Empleyado na Mababa sa 17 Taong Gulang

Ang mga maypagawa ay maaring umupa ng mga mangagawa na mababa sa 17 taong gulang kapag:

  • Hindi sila inaatasan ng batas ng lalawigan na pumasok sa paaralan
  • Ang trabaho ay walang panganib sa kanilang kalusugan o kaligtasan
  • Hindi sila kailangan na magtrabaho sa ilalim ng lupa o mina, o sa mga gawain na pinagbabawal sa mga batang empleyado na inaatasan ng mga batas tulad ng “Explosives Regulations, the Nuclear Safety and Control Act and Regulations of the Canada Shipping Act”
  • Hindi sila kailangan na magtrabaho sa pagitan ng 11:00 ng gabi at 6:00 ng umaga sa susunod na araw

Kung kailangan mo ng tulong na magharap ng reklamo na ayon sa “Canada Labour Code”, pakitignan ang bahagi ng “Resources” ng aplikasyon.

Ang Calgary & District Labour Council (C&DLC) ay hindi nagbibigay ng garantiya sa ganap na kawastuan ng mga impormasyon na nilalaman ng aplikasyon na ito at ang mga gumagamit ay hindi dapat magtiwala dito. Ang mga gumagamit ay dapat deretsong kumunsulta sa mga batayan ng pamahalaan para makaseguro na ganap ang kawastuan ng mga batas bago gumawa ng mga aksyon na nababatay, o umaasa, sa mga kondisyon ng pambatasan na tinukoy at ibinuod sa aplikasyon na ito. Itong aplikasyon na ito, kasama pero hindi limitado sa mga bagay na “interactive” at mga nilalaman nito, ay nakalaan dito ng “as is” na batayan. Ang C&DLC ay malinaw na pinagkakaila ang lahat ng mga garantiya na may kakayahang maikalakal, na angkop sa isang partikular na layunin, at na hindi lumalabag. Ang C&DLC ay malinaw na pinagkakaila ang ano mang pananagutan sa ano mang pagkawala, pananakit, paghahabol, pagkakautang, o pinsala na sanhi ng, o nagmula sa, o maykinalaman sa: (a) ano mang pagkakamali o pagkukulang ng aplikasyon na ito, mga bagay na “interactive” at nilalaman nito, kasama na pero hindi limitado sa mga, teknikal na kamalian at mga sala sa paglilimbag; (b) mga komunikasyon ng mga ibang partido; (c) mga website ng ibang partido at mga nilalaman nito na deretsong mararating mula sa mga “links” ng aplikasyon, kasama na pero hindi limitado sa mga kamalian o hindi naisama dito; (d) hindi makakuha ng aplikasyon na ito, ang mga bagay na “interactive”, mga nilalaman, at ano mang bahagi nito; (e) paggamit mo ng aplikasyon na ito, sa mga bagay na “interactive o ang nilalaman nito; at (f) paggamit mo ng ano mang kagamitan, “hardware” o “software” na may kinalaman sa aplikasyon na ito, mga bagay na “interactive” at mga nilalaman nito.