Canadian Human Rights Act

Ang Batas ng mga Karapatang-Pantao ng Canada

Ang Batas ng mga Karapatang-Pantao ng Canada o ang “Canadian Human Rights Act” ay sumasakop sa iyo kung ikaw ay nagtratrabaho sa mga sumusunod na industriya:

  1. Pagbabangko
  2. Mga Sasakyang Pang-dagat
  3. Mga Serbisyo sa mga Puwerto at Lantsang Pantawid
  4. Mga Sasakyan Panghimpapawid, kasama ang mga Paliparan, Aerodromes at mga Kumpanya ng Eroplano
  5. Mga Tren at Riles
  6. Mga Sasakyan Panglansangan na Tumatawid ng mga Panlalawigan o Pang-Internasyonal na Hangganan
  7. Mga Kanal
  8. Mga Tubo ng Langis
  9. Mga Lagusan at Tulay (na tumatawid ng mg hangganan ng mga lalawigan)
  10. Mga Sistema ng Telepono, Telegrapo, at Kable
  11. Ibinobrodkast na Radio at Telebisyon
  12. Mga Bodega ng Butil
  13. Mga Gilingan ng Palay at Pakain sa Hayop
  14. Pagmimina at Pagproseso ng Uraniyo
  15. Mga Negosyo na Nauukol sa Pagkalinga ng mga Isda bilang Likas Yaman
  16. Karamihan ng mga Gawain ng mga “First Nation”
  17. Karamihan ng mga Korporasyon ng Pederal na Pamahalaan

Ang “Alberta Human Rights Act” ang sumasakop sa sino mang hindi nagtratrabaho sa mga nakalistang industriya. Kung ikaw ay nagtratrabaho sa ibang industriya, pakitignan ang bahagi ng “Alberta Human Rights Act” ng aplikasyon.

Ang “Canadian Human Rights Act” ay nagbabawal ng diskriminasyon sa mga sumusunod na dahilan:

  1. Pinagmulan ng lahi
  2. Kulay ng Balat
  3. Relihiyon
  4. Edad
  5. Kasarian (kasama ang pagbubuntis)
  6. Sekswal na pag-aangkop
  7. Kalagayan ng kasal
  8. Kalagayan ng pamilya
  9. Pagkabalda o dahil may pagkakasala na nahatulan ngunit nabigyan na ng kapatawaran o may kautusan na bigyan ng suspensyon

Para sa karagdagan na impormasyon tungkol sa “Canadian Human Rights Act”, bumisita sa:

http://www.chrc-ccdp.ca/eng

Para sa karagdagan na impormasyon kung paano magharap ng reklamo ng tungkol sa “Canadian Human Rights”, bumisita sa:

http://www.chrc-ccdp.gc.ca/index.html

Maari kang pumunta sa:

Canadian Human Rights Commission

8th Floor, 344 Slater Street

Ottawa, ON

K1A 1E1

Pambansang Call Centre:

Toll Free: 1-888-214-1090

TTY: 1-888-643-3304

Fax: 613-996-9661

Lunes – Biyernes: 8:00 a.m. – 8:00 p.m. (Eastern Time)

Kung kailangan mo ng tulong upang magharap ng reklamo tungkol sa “Canadian Human Rights”, pakitignan ang bahagi ng “Resources” sa aplikasyon.

Ang impromasyon tungkol sa “Canadian Human Rights Act” ay nalikom mula sa website ng “Canadian Human Rights Commission”

Ang Calgary & District Labour Council (C&DLC) ay hindi nagbibigay ng garantiya sa ganap na kawastuan ng mga impormasyon na nilalaman ng aplikasyon na ito at ang mga gumagamit ay hindi dapat magtiwala dito. Ang mga gumagamit ay dapat deretsong kumunsulta sa mga batayan ng pamahalaan para makaseguro na ganap ang kawastuan ng mga batas bago gumawa ng mga aksyon na nababatay, o umaasa, sa mga kondisyon ng pambatasan na tinukoy at ibinuod sa aplikasyon na ito. Itong aplikasyon na ito, kasama pero hindi limitado sa mga bagay na “interactive” at mga nilalaman nito, ay nakalaan dito ng “as is” na batayan. Ang C&DLC ay malinaw na pinagkakaila ang lahat ng mga garantiya na may kakayahang maikalakal, na angkop sa isang partikular na layunin, at na hindi lumalabag. Ang C&DLC ay malinaw na pinagkakaila ang ano mang pananagutan sa ano mang pagkawala, pananakit, paghahabol, pagkakautang, o pinsala na sanhi ng, o nagmula sa, o maykinalaman sa: (a) ano mang pagkakamali o pagkukulang ng aplikasyon na ito, mga bagay na “interactive” at nilalaman nito, kasama na pero hindi limitado sa mga, teknikal na kamalian at mga sala sa paglilimbag; (b) mga komunikasyon ng mga ibang partido; (c) mga website ng ibang partido at mga nilalaman nito na deretsong mararating mula sa mga “links” ng aplikasyon, kasama na pero hindi limitado sa mga kamalian o hindi naisama dito; (d) hindi makakuha ng aplikasyon na ito, ang mga bagay na “interactive”, mga nilalaman, at ano mang bahagi nito; (e) paggamit mo ng aplikasyon na ito, sa mga bagay na “interactive o ang nilalaman nito; at (f) paggamit mo ng ano mang kagamitan, “hardware” o “software” na may kinalaman sa aplikasyon na ito, mga bagay na “interactive” at mga nilalaman nito.