Alberta Human Rights Act
Ang Batas ng mga Karapatang-Pantao ng Alberta
Ang Batas ng mga Karapatang-Pantao ng Alberta o ang “Alberta Human Rights Act” ay sumasakop sa lahat ng mga manggagawa maliban sa mga nagtratrabaho sa mga sumusunod na industriya:
- Pagbabangko
- Mga Sasakyang Pang-dagat
- Mga Serbisyo sa mga Puwerto at Lantsang Pantawid
- Mga Sasakyan Panghimpapawid, kasama ang mga Paliparan, Aerodromes at mga Kumpanya ng Eroplano
- Mga Tren at Riles
- Mga Sasakyan Panglansangan na Tumatawid ng mga Panlalawigan o Pang-Internasyonal na Hangganan
- Mga Kanal
- Mga Tubo ng Langis
- Mga Lagusan at Tulay (na tumatawid ng mg hangganan ng mga lalawigan)
- Mga Sistema ng Telepono, Telegrapo, at Kable
- Ibinobrodkast na Radio at Telebisyon
- Mga Bodega ng Butil
- Mga Gilingan ng Palay at Pakain sa Hayop
- Pagmimina at Pagproseso ng Uraniyo
- Mga Negosyo na Nauukol sa Pagkalinga ng mga Isda bilang Likas Yaman
- Karamihan ng mga Gawain ng mga “First Nation”
- Karamihan ng mga Korporasyon ng Pederal na Pamahalaan
Ang sino mang nagtratrabaho sa mga nakalistang industriya ay nasasakop ng “Canadian Human Rights Act”. Pakitignan ang bahagi ng “Canadian Human Rights Act” ng aplikasyon
Sa Alberta, hindi ka maaring diskriminahin sa mga susunod na protektadong dahilan:
- Lahi
- Paniniwalang relihiyon
- Kulay ng balat
- Kasarian (kasama ang pagbubuntis)
- Pagkabalda sa katawan
- Pagkabalda sa palaisipan
- Kanunu-nunuan
- Lugar ng pinagmulan
- Kalagayan ng kasal
- Pinagmumulan ng kita
- Kalagayan ng pamilya
- Sekswal na pag-aangkop
- Edad
- pagkakakilanlan ng kasarian at kasarian expression
Kung palagay mo ay ikaw ay nadiskriminahan, maari kang magharap ng reklamo sa
“Alberta Human Rights Commission”.
Para sa karagdagan na impormasyon tungkol sa “Alberta Human Rights Act”, bumisita sa:
http://www.albertahumanrights.ab.ca
Para magharap ng reklamo tungkol sa “Aberta Human Rights”, bumisita sa:
http://www.albertahumanrights.ab.ca/complaints/forms/complaint_form_and_guide.asp
Maari kang pumunta sa:
Alberta Human Rights Commission Northern Regional Office
800 Standard Life Centre
10405 Jasper Avenue
Edmonton, Alberta
T5J 4R7
Kumpidensyal na Matatawagan: 780-427-7661
Fax: 780-427-6013
Lunes – Biyernes: 8:15 a.m. – 4:30 p.m.
Alberta Human Rights Commission Southern Regional Office Public Office
Main Floor J.J. Bowlen Building
620 – 7th Avenue SW
Calgary, Alberta
T2P 0Y8
Kumpidensyal na Matatawagan: 403-297-6571
Fax: 403-297-6567
Lunes – Biyernes: 8:15 a.m. – 4:30 p.m.
Ang impormasyon tungkol sa “Alberta Human Rights Act: ay nalikom mula sa website ng “Alberta Human Rights Commission”.
Kung kailangan mo ng tulong na magharap ng reklamo tungkol sa “Alberta Human Rights”, pakitignan ang bahagi ng “Resources”.
Ang Calgary & District Labour Council (C&DLC) ay hindi nagbibigay ng garantiya sa ganap na kawastuan ng mga impormasyon na nilalaman ng aplikasyon na ito at ang mga gumagamit ay hindi dapat magtiwala dito. Ang mga gumagamit ay dapat deretsong kumunsulta sa mga batayan ng pamahalaan para makaseguro na ganap ang kawastuan ng mga batas bago gumawa ng mga aksyon na nababatay, o umaasa, sa mga kondisyon ng pambatasan na tinukoy at ibinuod sa aplikasyon na ito. Itong aplikasyon na ito, kasama pero hindi limitado sa mga bagay na “interactive” at mga nilalaman nito, ay nakalaan dito ng “as is” na batayan. Ang C&DLC ay malinaw na pinagkakaila ang lahat ng mga garantiya na may kakayahang maikalakal, na angkop sa isang partikular na layunin, at na hindi lumalabag. Ang C&DLC ay malinaw na pinagkakaila ang ano mang pananagutan sa ano mang pagkawala, pananakit, paghahabol, pagkakautang, o pinsala na sanhi ng, o nagmula sa, o maykinalaman sa: (a) ano mang pagkakamali o pagkukulang ng aplikasyon na ito, mga bagay na “interactive” at nilalaman nito, kasama na pero hindi limitado sa mga, teknikal na kamalian at mga sala sa paglilimbag; (b) mga komunikasyon ng mga ibang partido; (c) mga website ng ibang partido at mga nilalaman nito na deretsong mararating mula sa mga “links” ng aplikasyon, kasama na pero hindi limitado sa mga kamalian o hindi naisama dito; (d) hindi makakuha ng aplikasyon na ito, ang mga bagay na “interactive”, mga nilalaman, at ano mang bahagi nito; (e) paggamit mo ng aplikasyon na ito, sa mga bagay na “interactive o ang nilalaman nito; at (f) paggamit mo ng ano mang kagamitan, “hardware” o “software” na may kinalaman sa aplikasyon na ito, mga bagay na “interactive” at mga nilalaman nito.